20/12/2005
bahay mapagmahal xmas party
some of the pics taken last dec 18th, when we had our xmas party at bahay mapagmahal.
it was all fun and we were moved with the rondalla songs the kids prepared for us.
just want to extend my appreciation to all the people who supported me in making this dream of mine come true.
may the good Lord bless us always to share it to these people
18:10 Permalink | Comments (0) | Email this
14/12/2005
christmas rush
i woke up a bit late than usual kanina kase hindi ako nag report sa tmtli. naalala ko kase na i need to meet sheryll and mercy to get the lactum chocolate drinks that we're planning to share to the kids at bahay mapagmahal. since medyo madami un and they can't carry it all together with the other give aways, i volunteered to just get it from them na. im so happy that these two friends of mine are extending their effort to help me materialize the upcoming xmas party that we're going to celebrate with the kids at bahay mapagmahal.
on our way to the meeting place somewhere in paranaque, sobrang nakakamangha ang dami ng tao sa area ng cubao, super siksikan ang mga tao sa mrt. i was with my sister since siya ung pagdadalhin ko ng mga drinks pauwi sa bahay kase ang hirap kung dadalhin ko pa siya all the way sa office. dumaan muna kami sa plaza fair para bumili ng sample item as a prize for our fish activity on friday and natatawa kaming dalawa kase sobrang haba ng pila sa mga gift items. parang everybody seems to be in a rush in buying gifts for their loved ones. well, i cannot blame them kase ako nga mismo ala pa rin masyadong gifts na nabibili, so i can't imagine myself how i'm going to make up for it. tapos hassle pa ung sistema ng mga staff on that department store kase doble ang pag re-resibo nila ng item na pinamili mo, in return it caused a delay and a long thread lining sa cashier.
i thought pagdating namin sa area ng taft which is the last station ng mrt south, madali na lang kaming makakasakay ng bus papunta ng coastal mall. to my disappointment, ang layo ng nilakad namin kung saan nagsasakay ng pasahero ang mga buses then punuan pa. pagdating namin sa coastal mall, medyo nagtaka pa ako kase ang konti ng tao though lahat ng nakasalubong namin palabas eh puro me mga bitbit na pinamili. i was just surprised to see na maluwag ang hallway unlike sa gateway mall and other malls surrounding araneta, tila d mahulugang karayom ang dami ng tao. i realized, it must be the place where the mall is situated. hindi kase matao sa lugar na iyon kahit pa nga along the highway.
anyway, madami ang nagsasabi na ngayong pasko madami ang naghihirap, parang di nila feel ang spirit o tunay na diwa nito ngunit ganunpaman siguro higit sa materyal na bagay na siyang nagbibigay sigla sa tuwing sumasapit ang okasyong ito, ang mahalaga ay kapiling natin yung mga mahal natin sa buhay sa araw na ito. tumanda na ako at nagkaisip ngunit para sa aken, ito pa rin ang paborito kong okasyon sa buong taon. sana lahat tayo ay magkaroon ng isang meaningful na xmas celebration.
merry christmas everyone. :)
16:20 Permalink | Comments (0) | Email this
06/12/2005
Nakaraan
I’m able to finish cash application earlier than usual. Not much to process cash transactions for the day, kaya heto I have time to write some stuff here. My friend made a comment already that im no longer posting here in my blog, I just answered her back by saying “oo nga eh”. Nakakalimutan ko na rin kase dahil medyo busy and besides feeling ko un nga, wala naming masyadong significant na nangyayari sa buhay ko ngayon. Hehe
Anyway, kahapon ng tanghali just right after I woke up, nakapag kwentuhan kami ng sister ko. She is staying with me and my brother for the time being, end of contract na kase siya sa pinapasukan niyang factory in laguna, so I told her to just accompany us for the meantime sa bahay instead of umuwi ng probinsiya. Anyway, mag re-renew naman siya ulet ng contract next month so I asked her to stay with us na lang para me kasama sa bahay.
Napag-usapan naming ung mga nakaraang pangyayari sa buhay namin noong mga panahon na nakikitira lang kami sa mga tita namin and I just can’t help but smile and be thankful to God for He blessed our future then which is today. Kaya lang me konting kirot sa pagbabalik ko sa mga nangyari noon sa buhay namin, at nais ko na lang ibaon sa limot ang mga iyon at hayaang tadhana ang humusga sa mga taong hindi naging tapat sa pagtulong sa amin. Alam kong mali ang magtanim ng galit pero siguro sa kahit sinong tao ang lulugar sa sitwasyon namin noon ay makakramdam din ng konting hinanakit. Pero ang mahalaga ay ang ngayon. Kinalimutan ko na ang mga pangit na pangyayari sa buhay ko noon, but I have to admit that without those trials and trying experiences, I would have never gone this far. I won’t pursue in proving them that I’m different from my cousins, that I can stand on my own and that I am going to be successful one day and will live my life well.
Looking back to those days na parang pelikula ang buhay ko, ung tipong api-apihan, ngayon ko lang napagtanto na tama ang kasabihang “kapag may tiyaga, may nilaga”. Kasama ang matinding pananalangin at paniniwala na isang araw ang lahat ng aking mga pangarap ay magkakatotoo, nabuo kong isa isa ang mga pira pirasong pangarap na iyon. I’m not saying na wala na akong mga pangarap ngayon, im still struggling to make my other dreams come true, but at least somehow me napatunayan na ako sa kanila. Siguro, d na rin mahalaga ang patuloy na maghinanakit dahil sinuklian na ng Diyos ang lahat ng paghihirap namin noon. Kaya I feel so blessed and happy to those people who share the same sentiments as mine and at the same time sa ngayon eh masaya na sa takbo ng buhay nila.
20:19 Permalink | Comments (0) | Email this
02/12/2005
Sapul
alam nyo ba ung feeling na sapul ang pagkakatama sa inyo ng sinabi ng isang tao at kahit hindi man ikaw ung direktang sinasabihan nito eh naramdaman mo na patungkol iyon sa iyo. sobrang d ko ma explain ung feeling but im sure siguro naramadaman nyo na rin un at one point in ur life.
this person is definitely a stranger to me. we don't know each other pero na bulls eye ako sa nabasa ko sa online journal niya. it's as if nakilala na niya ang buong pagkatao ko kaya niya nasabi ang mga bagay na iyon. pero i am not sure kung ako nga ung tinutukoy niya but who would know kung di siya lang. pero wala akong lakas ng loob na i- confront siya at tanungin, para ke pa. nasabi na niya ung sa tingin niya eh pagkatao ko, at kung iyon ang palagay niya wala na ako magagawa. sabi nga nila u cannot please everybody. but honestly, gusto ko siyang pasalamatan kase minulat niya ako sa katotohanan na may mga bagay akong ginagawa na hindi maganda sa tingin ng iba, intentional man o hindi and that hindi nakakahiya ang magpakatotoo sa kung ano lang ang alam at kapasidad mo.
d ko alam kung bakit naramdaman ko ung pagkalungkot na ganon ang comment niya, maybe because i was hoping na ok naman ako ah, so wala naman sigurong mag re-react ng panget sa attitude ko, without me knowing na dahil nga dun sa fact na "ok ako" kaya siya nag react. hmmm, medyo magulo ba explanation ko? it's like this kase. ever since i had my awareness sa kung ano ang tama at mali, kung ano ang maganda at panget naging conscious na ako sa lahat ng mga ginagawa ko to the point na kahit d ako komportable na gawin ang isang bagay, dahil iyon ang nararapat eh ginagawa ko. yeah u can say tama lang naman iyon kaso ang mali sa aken ung too much pretentions and reactions ko that unknowingly nagiging hypocryte ang dating ko sa ibang tao. un bang tipong pa goody goody at madalas eh nagiging judgemental sa mga taong walang pakialam sa paggawa ng hindi maganda. ung tipong nang general ako sa paghusga sa tao. i know it's a bad attitude and ngayon ko lang na absorb and nag sink in saken un. kase ang uagli ko, para lang maging ok ang tingin ng madami sa aken, i pretended and reacted too much.
pero dati actually till now naman tahimik ako. i let other people do the talking but once i feel comfortable with the group dun lumalabas ung ugaling kong pa bibo pero wala din namang akong gaanong alam, hehe. yeah inaamin ko ngayon at d na ako takot harapin itong panget na ugali na ito, para ng sa ganun mabago ko, if not at least ma lessen ko ung pag re-react sa mga bagay na wala naman talaga akong alam. kapag tahimik ako, na mi-misinterpret na suplada ako, kapag naman nag ingay sabihin ang dami mo namang alam. parang d ko na alam kung saan lulugar. perso ngayon ko lang na realize na hindi lahat ng tao sasang ayon at maniniwala sa iyo. now, siguro i need to mellow down or tone down. avoid giving too much reaction in certain situations lalo na kung d mo pa naman nararanasan iyo and respect each otther's individuality. we have no right to judge every person no matter how closely we know them, and worst if we don't know much about them at all.
12:00 Permalink | Comments (0) | Email this

