06/12/2005
Nakaraan
I’m able to finish cash application earlier than usual. Not much to process cash transactions for the day, kaya heto I have time to write some stuff here. My friend made a comment already that im no longer posting here in my blog, I just answered her back by saying “oo nga eh”. Nakakalimutan ko na rin kase dahil medyo busy and besides feeling ko un nga, wala naming masyadong significant na nangyayari sa buhay ko ngayon. Hehe
Anyway, kahapon ng tanghali just right after I woke up, nakapag kwentuhan kami ng sister ko. She is staying with me and my brother for the time being, end of contract na kase siya sa pinapasukan niyang factory in laguna, so I told her to just accompany us for the meantime sa bahay instead of umuwi ng probinsiya. Anyway, mag re-renew naman siya ulet ng contract next month so I asked her to stay with us na lang para me kasama sa bahay.
Napag-usapan naming ung mga nakaraang pangyayari sa buhay namin noong mga panahon na nakikitira lang kami sa mga tita namin and I just can’t help but smile and be thankful to God for He blessed our future then which is today. Kaya lang me konting kirot sa pagbabalik ko sa mga nangyari noon sa buhay namin, at nais ko na lang ibaon sa limot ang mga iyon at hayaang tadhana ang humusga sa mga taong hindi naging tapat sa pagtulong sa amin. Alam kong mali ang magtanim ng galit pero siguro sa kahit sinong tao ang lulugar sa sitwasyon namin noon ay makakramdam din ng konting hinanakit. Pero ang mahalaga ay ang ngayon. Kinalimutan ko na ang mga pangit na pangyayari sa buhay ko noon, but I have to admit that without those trials and trying experiences, I would have never gone this far. I won’t pursue in proving them that I’m different from my cousins, that I can stand on my own and that I am going to be successful one day and will live my life well.
Looking back to those days na parang pelikula ang buhay ko, ung tipong api-apihan, ngayon ko lang napagtanto na tama ang kasabihang “kapag may tiyaga, may nilaga”. Kasama ang matinding pananalangin at paniniwala na isang araw ang lahat ng aking mga pangarap ay magkakatotoo, nabuo kong isa isa ang mga pira pirasong pangarap na iyon. I’m not saying na wala na akong mga pangarap ngayon, im still struggling to make my other dreams come true, but at least somehow me napatunayan na ako sa kanila. Siguro, d na rin mahalaga ang patuloy na maghinanakit dahil sinuklian na ng Diyos ang lahat ng paghihirap namin noon. Kaya I feel so blessed and happy to those people who share the same sentiments as mine and at the same time sa ngayon eh masaya na sa takbo ng buhay nila.
20:19 Permalink | Comments (0) | Email this


The comments are closed.